Home METRO 4 nawawalang dayuhang hikers nasagip

4 nawawalang dayuhang hikers nasagip

MANILA, Philippines- Nasagip nitong Sabado ang apat na dayuhang nawala habang nagha-hike sa bundok sa Santa Catalina, Barangay Silab, Amlan, Negros Oriental.

Ayon sa Negros Oriental police, natunton sila ng mga awtoridad ng ala-1:35 ng hapon noong March 22, 2025.

Agad na binigyan ng atensyong medikal ang nasabing hikers.

Batay sa ulat ng mga awtoridad, nasa maayos na kondisyon ang hikers, bagama’t hindi idinetalye ang lagay ng kanilang kalusugan.

Kabilang sa nasa likod ng operasyon ay ang joint rescue team mula sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC), Bureau of Fire Protection (BFP) 7, at local volunteers. RNT/SA