MANILA, Philippines- Inanunsyo ng dalawang unibersidad nitong Sabado na magkakasa ito ng online classes dahil sa Manibela transport strike mula March 24 hanggang 26, 2025.
Binanggit ng De La Salle University sa Facebook na upang matiyak ang pagpapatuloy ng pagkatuto, isasagawa online lahat ng senior high school, undergraduate, at graduate classes sa Manila at Laguna campuses nito sa kalagitnaan ng strike. Sa kabila nito, mananatiling bukas ang mga campus.
Ililipat din ang trabaho sasa Manila at Laguna campuses sa work-from-home setup, maliban sa essential personnel sa mga pasilidad, campus services, libraries, enrollment services, at finance na rekisitos para sa campus operations.
Samantala, ikakasa ng University of Santo Tomas ang “Enriched Virtual Mode of Instruction” nito maging remote work arrangements sa March 24, 2025.
Nag-anunsyo rin ang Malayan High School of Science na lahat ng klase sa lahat ng lebel ay isasagawa sa synchronous online mode.sa March 24. RNT/SA