
MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of Foreign Affairs – Office of Consular Affairs (DFA-OCA) na maaari nang boluntaryong ibalik ng mga babaeng may asawa ang kanilang ‘maiden names’ kapag nag-renew ng pasaporte.
Sa isang abiso, sinabi ng DFA-OCA na ang pagbabalik sa maiden names ay alinsunod sa New Philippine Passport Act o Republic Act. No. 11983.
Nakasaad sa Seksyon 5 (f) ng batas na: “For a woman who wishes to revert to the use of her maiden name, a duly authenticated birth certificate by the PSA: Provided, That she can only revert to her maiden name once and all her other existing identification cards and pertinent documents shall likewise reflect her maiden name…”
Dahil dito, winika ng DFA-OCA na maaaring ibalik ng isang aplikante ang kanyang maiden name na kinakailangan ang mga sumusunod na rekisitos:
Isang original at photocopy ng isang PSA-issued Certificate of Live Birth o PSA Report of Birth;
Isang original at photocopy ng PSA-issued Certificate of Marriage o PSA Report of Marriage;
Notarized Affidavit of Explanation na kasama ang request para sa pagpapabalik ng maiden name sa Philippine passport o travel document at nagsasabi na matagal ng nagnanais ang aplkante na maibalik ang kanyang maiden name;
Pinakabagong inisyu na Philippine passport o travel document;
Anumang balido at umiiral na ID na tinatanggap para sa passport application, makikita ang maiden name ng passport applicant
Gayundin, maaari na ring maibalik ang maiden name ng babaeng may asawa sa kanyang passport application sa bisa ng annulment, deklarasyon ng kawalang-bisa ng kasal, legal separation, judicially-recognized foreign divorce, o pagkamatay ng asawa, kailangan lamang magsumite ng sumusunod na documentary requirements:
Original at photocopy ng isang PSA-issued Certificate of Death (COD) o Report of Death (ROD) ng asawa, o apostilled, o authenticated Foreign Death Certificate na may English Translation, kung naaangkop;
Isang original at photocopy ng PSA-issued Certificate of Live Birth o PSA Report of Birth;
Pinakabagong inisyu na Philippine passport (kung available)
Sa bisa naman ng Annulment, Declaration of Nullity of Marriage, Judicially-recognized Foreign Divorce, Judicially-recognized Divorce sa ilalim ng PD No. 1083, at Legal Separation:
Kailangang magsumite ng original at photocopy ng isang PSA-issued Certificate of Marriage (COM) o PSA Report of Marriage (ROM) na may annotation na sumasalamin sa kawalang-bisa o pagkalusaw ng kasal, judicial recognition ng foreign divorce, court decree ng legal separation;
Isang original at photocopy ng isang PSA-issued Certificate of Live Birth o PSA Report of Birth;
pinakabagong inisyu na Philippine passport (kung available).