Home NATIONWIDE 4 OFW ligtas sa nasunog na oil tankers malapit sa Singapore

4 OFW ligtas sa nasunog na oil tankers malapit sa Singapore

131
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ligtas ang apat na overseas Filipino workers (OFWs) kasunod ng nangyaring banggaan ng dalawang oil tanker na nagresulta ng sunog malapit sa Singapore.

Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na ang apat na Filipino seafarers na sakay ng isa sa tanker ay ligtas.

Ang banggaan ng mga tanker ay nangyari noong Biyernes ng umaga.

Sinabi ng Maritime and Port Authority of Singapore (MPA), ang Sao Tome at Principe-flagged tanker Ceres I ay humigit-kumulang 55 km (34 milya) hilagang-silangan ng Singaporean island ng Pedra Branca sa eastern approach sa Singapore Straits.

Kasunod ng insidente, dalawang tripulante ang inihatid sa isang ospital, at ang iba ay nailigtas mula sa mga liferafts.

Ang lahat ng 62 tripulante mula sa parehong tanker ay accounted na. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here