MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos itong banggain ng pickup truck habang tumatawid sa Maharlika Highway sa Barangay Balubad, Atimonan, Quezon nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 19.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si John Lloyd mula sa San Simon, Pampanga.
Ang biktima ay binangga ng Nissan Navarra pickup na may conduction sticker number F6L698 at minamaneho ni Dennis Crisostomo, 41, sales driver, ng Sitio Ilaya, Barangay Talaan, Sariaya, Quezon.
Nagtamo si Meneses ng seryosong pinsala sa katawan at dinala sa Doña Marta Memorial District Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival. RNT/JGC