Home NATIONWIDE Bagong procurement app sa gov’t agencies ilulunsad ng DBM

Bagong procurement app sa gov’t agencies ilulunsad ng DBM

149
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Department of Budget and Management (DBM) sa paglulunsad ng isang app kung saan ang mga ahensya ng pamahalaan ay makakapag-add to cart ng mga gamit, katulad ng office supply na kailangan nilang bilhin.

Mas mapadadali umano ng app ang pagbili at pag-alam kung ang mga item ay “in stock,” kung magkano ito at kung kalian nila ito makukuha.

“Ibig sabihin parang Shopee at Lazada, add to cart na lang tayo,” pagbabahagi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman sa mga mamamahayag.

“Makikita mo din diyan kung kailan ang delivery and puwede rin ang pick up,” dagdag pa niya.

Ang DBM ay “already finalizing the back end and the front end” ng app na tatawaging “eMarketplace.”

Inaasahan na mailunad ang naturang serbisyo sa loob ng dalawang buwan.

Sa kabila ng pagkakaroon ng app, ang ilang bids and awards committees (BACs) ay kailangan pa ring panatilihin para sa big ticket projects.

“Itong malalaking products like Department of Transportation (DOTr), Department of Public Works and Highways (DPWH), they will still have their own bids and awards committee, but now yung process it will be shortened, it will be streamlined,” anang opisyal.

“It will be more transparent. The use of technology, lahat ng bidding process natin, everything can be online,” pagpapatuloy ni Pangandaman.

“There is citizen’s participation in the law so the civil society can participate as observers in the process.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here