MANILA, Philippines – Ipasusubasta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang apat pang luxury vehicles na pagmamay-ari ng pamilya Discaya sa Hunyo 29.
Ang auction ay isasagawa mula alas-9 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa BIR National Office sa Quezon City.
Kabilang dito ang Mercedes-Benz Sprinter 2017, Mercedes-Benz GLS 350T AMG 2020, Range Rover LWT 2019 at Land Rover Defender 130S 2023.
Ang mga sasakyang ito ay nabili ng St. Gerrard Construction General Contractor at Development Corporation.
Ibebenta ng “As Is, Where Is” basis ang mga sasakyan na may kabuuang P26.14 milyon ang halaga.
Sinabi ni BIR Commissioner Charlito Martin-Mendoza, layunin ng auction na pabilisin ang pagkolekta ng mga buwis at maiwasan ang patuloy na pagbaba ng halaga ng mga sasakyan habang nasa kustodiya ito ng pamahalaan.
Maaaring bumisita sa official website ng BIR o makipag-ugnaan sa Revenue Region 7B – East NCR ang mga interesado sa auction.
Noong Marso ay itinurn-over ng BOC ang mahigit P102 milyong halaga ng kita mula sa public auctions ng mga nakumpiskang sasakyan na iniuugnay sa mga Discaya, sa Bureau of Treasury.
Ang mga pera ay nakuha mula sa pagbebenta ng siyam sa 13 nakumpiskang sasakyan.
Nakumpiska ang 13 luxury vehicles sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Kabilang dito ang:
2022 Toyota Tundra
2023 Toyota Sequoia
2023 Rolls-Royce Cullinan
2022 Mercedes-Benz G63 AMG
2019 Mercedes-Benz G500 Brabus
2021 Lincoln Navigator L
2022 Bentley Bentayga
2024 Lincoln Navigator
2022 GMC Yukon Denali
2021 Cadillac Escalade
2022 Maserati Levante Modena
2022 GMC Yukon XL Denali
2022 Cadillac Escalade ESV