Home NATIONWIDE 4 panukala sa mga manggagawa lusot na sa House Committee on Labor...

4 panukala sa mga manggagawa lusot na sa House Committee on Labor and Employment

215
0

MANILA, Philippines – Aprubado na sa House Committee on Labor and Employment ang 4 na mahahalagang panukala na nakatuon sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga manggagawang Pinoy.

Ayon kay House Committee on Labor Chairman Jolo Revilla kabilang sa naaprubahan ay ang committee report na nag-aabolish sa provincial wage rates at pagsusulong ng pagkakaroon ng National Minimum Wage.

Inaprubahan din ang panukala na magpapalakas sa occupational safety and health (OSH) standards, particular  sa panahon ng climate-related events, disasters at emergency situations, aprubado din ang panukala na nagsusulong na magbigay ng survivorship benefits sa National Labor Relations Commission (NLRC) officials at lusot na rin sa komite ang resolusyon na nagtutulak sa Philippine Statistics Authority (PSA) na kilalanin ang virtual assistants, online freelancers at  remote workers na kasapi sa labor category.

Samantala, tinalakay din sa komite ang panukala na nagsusulong na maestablisa ng provincial office ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Dinagat Islands gayundin ay natalakay ang panukala para matiyak ang maayos na kalagayan ng mga Business Process Outsourcing (BPO) workers, kasama dito ang panukala na kilalanin ang kanilang labor rights sa ilalim ng Labor Law at napagusapan din ang panukala na pag aamyenda sa Public Employment Service Office (PESO) Act.

Sinabi ni Revilla na mabilis na umuusad at natatalakay sa komite ang mga nasabing mga panukala sa hangarin na rin na agad itong maisabatas.

“The committee’s actions reflect the House of Representatives’ continuing effort to respond to both long-standing and emerging labor concerns, particularly those affecting minimum wage earners, frontline workers, and employees in high-risk and nontraditional work environment ”ani Revilla.

Ang mga naaprubahang panukala sa komite ay isusumite sa House Plenary. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here