Home HOME BANNER STORY Rep. Edvic Yap nagbitiw sa Kamara

Rep. Edvic Yap nagbitiw sa Kamara

176
0

MANILA, Philippines – Nagbitiw sa House of Representatives si ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap, ayon sa anunsyo sa plenaryo bago mag-adjourn ang sesyon nitong Miyerkules, Enero 4.

Wala pang inilalabas na pahayag si Yap tungkol sa kanyang pagbibitiw sa Kamara, kung saan siya nagsilbi mula 2022.

Si Yap ay kabilang sa mga mambabatas na iniimbestigahan kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project.

Ayon kay Ombudsman Boying Remulla, isa siya sa tatlong mambabatas na iniuugnay sa hindi natapos na P275.9-milyong flood control project sa La Union.

Ang contractor ng proyekto, ang Silverwolves Construction Corp., ay nahaharap sa mga kasong malversation at graft.

Iniulat din na ang kapatid ni Edvic na si Rep. Eric Yap ng Benguet ay may indirect at beneficial stake sa Silverwolves Construction Corp., na may mahigit P16 bilyong halaga ng transaksyon mula 2022 hanggang 2024, karamihan ay kaugnay rin ng mga flood control project.

Dagdag pa ni Remulla, natuklasan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) na ang bank account ni Edvic Yap ay nakatanggap ng humigit-kumulang P70 milyon mula sa contractor-couple na sina Sarah at Curlee Discaya.

Noong Disyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na kabilang sa freeze order ang mga personal na bank account ng magkapatid na Yap, kasama ang mga asset at account ng Silverwolves Construction Corp. at Sky Yard Aviation Corp. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here