Home METRO 4 parak swak sa selda sa kidnapping!

4 parak swak sa selda sa kidnapping!

MANILA, Philippines- Arestado ang apat na pulis sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa pagdukot sa apat na dayuhan sa Pasay City, ayon kay Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules.

“This incident is a serious breach of public trust and the core values of the police force. The Philippine National Police (PNP) will not tolerate any misconduct within their ranks,” pahayag ni Abalos sa isang press briefing sa Camp Crame.

“They are committed to transparency throughout the investigation and prosecution process and will provide regular updates to ensure all developments are communicated effectively,” dagdag niya.

Kinilala ang mga suspek na sina Police Major Christel Carlo Villanueva, Police Senior Master Sergeant Angelito David, Police Master Sergeant Ricky Tabora, at Police Staff Sergeant Ralph Tumanguil.

Nakatalaga ang mga suspek, iprinisenta sa media sa press briefing, sa Makati City, Pasay City, at sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Noong Hunyo 2, inihayag ni Abalos na sakay ang apat na foreign nationals ng kanilang sasakyan nang harangin sila ng ilang pulis sakay ng Philippine National Police (PNP) motorcycle sa Taft Avenue. Nakasunod din ang isang puting van sa kanilang sasakyan.

“Pagkatapos bumababa at kinuha yung apat na dayuhan. They abducted the four individuals,” paglalahad ni Abalos.

Nakatakas naman ang dalawang dayuhan at nagpasaklolo sa mga pulis.

Pinakawalan ang dalawa pa, nagtamo ng injuries, matapos magbigay ng P2.5 milyong ransom sa kidnappers.

Naglunsad ang mga pulis ng operasyon upang madakip ang mga suspek.

Nahaharap ang mga suspek sa reklamong kidnapping with ransom, robbery, at carnapping matapos marekober ng mga awtoridad an ebidensya laban sa kanila tulad ng CCTV footage, phones, PNP-issued firearms at mga motorsiklo.

Tinutugis pa ang iba pang suspek, kabilang ang sibilyang mastermind, batay sa mga awtoridad. RNT/SA