Home HOME BANNER STORY 4 patay, 19 sugatan sa election-related incidents sa BARMM — Comelec

4 patay, 19 sugatan sa election-related incidents sa BARMM — Comelec

1
0

MANILA, Philippines — Apat ang nasawi habang 19 ang sugatan sa mga election-related incidents sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) nitong Lunes, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na tatlo sa mga nasawi at 15 sa mga sugatan ay mula sa pamamaril sa labas ng Datu Usman Mampen school site sa Barangay Bagua 2, Cotabato City.

Nagsimula umano ang insidente sa alitan ng supporters ng magkaribal na political groups hinggil sa puwesto sa pila bago ito nauwi sa suntukan at palitan ng putok.

Sa hiwalay na insidente sa Pilot Central Elementary School sa Cotabato City, isa naman ang nasawi at tatlo ang sugatan matapos muling magkaroon ng karahasan sa pagitan ng magkabilang kampo.

Isa pang tao ang nasugatan nang sumabog ang improvised explosive device na umano’y dala nito.

Sa kabila ng mga insidente, nanawagan si Garcia sa mga botante na huwag matakot at ipagpatuloy ang pagboto.

“Huwag po tayong magpapatinag. Huwag po tayong magpapatakot sa kanila. Lalo po tayong bumoto,” ani Garcia.

Mahigit 2.39 milyong rehistradong botante ang inaasahang lumahok sa kauna-unahang BARMM parliamentary elections. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here