Home METRO 4 patay sa sunog sa Las Piñas

4 patay sa sunog sa Las Piñas

MANILA, Philippines –  Patay ang apat na indibidwal habang dalawa ang sugatan sa sunog na sumiklab sa dalawang bahay  sa Peach Street, Camella Homes 1, Barangay Talon 2, Las Piñas City, nitong Huwebes ng madaling araw, Pebrero 29.

Sinabi ni Fire Chief Quintin Paredes ng Team Network Las Piñas Chapter Fire and Rescue Volunteer na hindi nakalabas sa kanilang bahay ang mga biktima.

Habang rumeresponde, nasaksihan pa umano ng kanilang fire volunteers kung paano natupok ng apoy ang tatlo sa mga biktimang nasaw.

Idineklarang fire out ang sunog bandang 4:36 a.m. RNT

Previous articleKAHIT KONTI LANG
Next articleAlamin: Ilang parte ng NLEX isasara mula Marso 1-8