Home NATIONWIDE 4 Pinoy na sakay ng barko na hinarang ng Iran, ligtas –...

4 Pinoy na sakay ng barko na hinarang ng Iran, ligtas – DMW

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Migrant Workers sa publiko nitong Lunes, Abril 15 na ang apat na Filipino na sakay ng na-hijacked na MSC Aries sa Iran ay ligtas.

“As of this morning, the reports from the ship owner is that they are safe and sound. And they are resuming their normal duties on board the ship. And that they are healthy in a sense that they get their regular food. They have regular food and water supplies on board,” sinabi ni DMW officer in charge Hans Cacdac sa GMA Integrated News.

Sinabi pa ni Cacdac na ang apat ay nasa barko pa rin na na-hijack dahil ito ay naka-angkla.

Dagdag pa ni Cacdac na nakikipag-unayan na ito sa pamilya ng apat na Filipino.

“We’ve opened the lines of communication. I, myself, am in communication with all four families. And we are in coordination with the DFA also. We’re relying on the DFA sa [on the] coordination, sa [on the] diplomatic effort to secure their safe release and repatriation,” dagdag pa ng opisyal.

Hindi naman binanggit ni Cacdac ang mga pangalan ng apat na Filipino bilang respeto sa privacy ng kanilang pamilya.

Hindi rin binanggit ang manning agency ng mga Filipino seafarer ngunit tiniyak na siya ay nakikipag-ugnayan sa kanila gayundin sa ship owner, ship agent at ship owner. Jocelyn Tabangcura-Domenden