Home NATIONWIDE 4 sa 10 studes nagdo-drop out sa kolehiyo kahit may libreng tuition...

4 sa 10 studes nagdo-drop out sa kolehiyo kahit may libreng tuition —EDCOM II

352
0

MANILA, Philippines – Apat sa bawat sampung estudyanteng Pilipino ay hindi nakatatapos ng kolehiyo kahit libre ang tuition, ayon sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM II).

Pinakamataas ang attrition sa BARMM na umabot sa 93%, habang nasa 52% sa Metro Manila at 61% sa Central Visayas.

Batay sa datos ng Philippine Institute for Development Studies, pangunahing dahilan ng pag-drop out ay ang pangangailangang magtrabaho (44%), kawalan ng interes (25%), at problemang pinansyal (20%). “Kung lahat ng college programs ay eight to five lamang, marami talagang hindi kayang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho,” ayon kay EDCOM II Executive Director Dr. Karol Mark Yee.

Tinukoy rin ng mga mambabatas na hindi na naaayon sa merkado ang karamihang kurso at maraming problema sa Tertiary Education Subsidy (TES). Dahil sa delays at maling target, bumaba ang benepisyaryo mula sa pinakamahihirap na estudyante—mula 74% noong 2018 hanggang 31% na lang ngayon.

Giit ng EDCOM II, bagama’t libre ang tuition sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, hindi ito sapat para matiyak ang pagtatapos.

Nanawagan sila sa CHED at UniFAST na ayusin ang subsidy, magbigay ng flexible programs para sa working students, at ihanay ang mga kurso sa pangangailangan ng labor market. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here