Home METRO 4 suspek sa illegal mining, arestado sa Butuan City

4 suspek sa illegal mining, arestado sa Butuan City

258
0

BUTUAN CITY, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal na sangkot sa ilegal na pagmimina sa Butuan City sa isang operasyon ng Butuan City Police Office (BCPO) at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay BCPO Director Col. Rommel Villamor, isinagawa ang operasyon sa Purok 2, Barangay Bilay. Nakilala ang mga suspek sa kanilang alyas lamang: Rom at John mula Barangay Bilay, at El at Jer mula Barangay Aupagan.

Inihahanda na laban sa kanila ang mga kaso sa paglabag sa Republic Act 7942 o Philippine Mining Act of 1995, Butuan City Ordinance No. 7244-2025, at Administrative Order No. 2010-21 ng Department of Environment and Natural Resources.

Nasa kustodiya na ng Butuan City Mobile Force Company ang mga suspek at ang mga kagamitan nila sa pagmimina.

Ani Villamor, “The BCPO will not allow illegal mining activities that destroy the environment. We will go after those involved in such illegal activities.” Hinimok niya ang mga residente na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa pulisya at i-report ang anumang krimen o emergency sa 911 emergency hotline ng lungsod. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here