Home NATIONWIDE Repatriation ng OFW na nasawi sa sunog sa Hong Kong, tinututukan ng...

Repatriation ng OFW na nasawi sa sunog sa Hong Kong, tinututukan ng DMW

264
0

MANILA, Philippines – Mahigpit na minomonitor ng Department of Migrant Workers (DMW) ang proseso ng pagbabalik ng labi ni Mary Ann Pascual Esteban, isang taga-Barangay Santa Isabel, Jones, Isabela, na nasawi sa nagdaang sunog sa Tai Po District, Hong Kong.

Ayon kay DMW Region 2 Regional Director Rogelio Benitez, nakatuon sila sa mabilis na pagre-repatriate ng labi ni Mary Ann sa kanyang bayan, bilang tugon sa hiling ng kanyang nagdadalamhating magulang, sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration at Philippine Consulate.

Sinabi rin ni Benitez na nakikipag-ugnayan sila sa pamahalaan ng Hong Kong para sa 151 Pilipinong nasugatan at sa mga nawalan ng trabaho dahil sa sunog. Tiniyak niya ang libreng medikal na paggamot para sa mga nasugatan.

Sa pamamagitan ng Action Fund, tiniyak ng DMW na makakatanggap ng tulong ang mga OFWs na naapektuhan ng trahedya at patuloy nilang tinutukoy ang bilang ng mga apektadong residente mula sa rehiyon ng Cagayan Valley. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here