MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad ang apat na high-value targets kasabay ng pagkakasamsam ng mahigit P2 milyong halaga ng illegal na droga sa dalawang anti-drug operations sa Zamboanga City.
Ayon kay Police Regional Office-Zamboanga Peninsula Director Brig. Gen. Edwin Quilates, ang dalawang suspek, isang 25-anyos na residente ng Luuk, Sulu, at 30-anyos mula sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City ang naaresto 9:33 ng gabi nitong Biyernes sa Barangay Sinunuc.
“Seized from the duo were some 250 grams of suspected shabu packed in five heat-sealed plastic sachets worth PHP1.7 million,” saad sa report ni Quilates nitong Sabado, Disyembre 6.
Itinurn-over ang mga suspek sa Zamboanga City Police Station-11 detention facility para sa inquest proceedings at paghahain ng criminal charges.
Naaresto naman ang dalawa iba pang suspek, edad 33 at 38 sa buy-bust bandang 6:20 ng gabi sa Barangay Baliwasan at nakuhanan ng 50 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000. RNT/JGC