Home HOME BANNER STORY Last-minute insertion sa 2026 budget ‘di papayagan ng Senado – Sotto

Last-minute insertion sa 2026 budget ‘di papayagan ng Senado – Sotto

388
0

MANILA, Philippines – Siniguro ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III nitong Sabado, Disyembre 6 na hindi papayagan ng Senado ang last-minute insertions sa proposed 2026 national budget.

Sa panayam, kinumpirma ni Sotto na nakatakdang aprubahan ang badyet sa ikatlo at huling pagbasa sa Martes, matapos itong maipasa sa ikalawang pagbasa noong Huwebes.

“Hindi na puwedeng may dadagdag o mag-insert. ’Di ako papayag noon,” ani Sotto bilang tugon sa pangamba ng publiko na maaaring sumubok na naman ang mga mambabatas na ibalik ang insertion sa bicam.

Siniguro rin niya na walang “allocable” funds ang nananatili sa proposed budget para sa discretionary use, maliban sa mga item na nasa ilalim ng “unprogrammed appropriations,” na nakadepende sa revenue availability.

Matatandaan na binatikos ni Sotto ang mga budget practice sa nakaraan kung saan ang pondo para sa programmed at unprogrammed funds ay pinagpapalit
partikular sa badyet ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na sinabi niyang nagkakahalaga ng “hundreds of billions.”

Anang Senate President, inayos na ni Sen. Sherwin Gatchalian, chair ng Senate finance committee, ang pagbubukas ng bicam sa Disyembre 10. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here