Home NATIONWIDE 4 timbog sa iligal na transportasyon ng imported na sibuyas

4 timbog sa iligal na transportasyon ng imported na sibuyas

243
0

MANILA, Philippines – Arestado ang apat na indibidwal sa Bulacan dahil sa umano’y pagdadala ng imported na sibuyas na walang tamang permit, ayon sa pulisya.

Nahuli ang grupo habang naglilipat ng mga sako ng sibuyas sa hindi awtorisadong lugar sa gilid ng kalsada.

“Merong na-flag down ang inyong PNP-HPG Bulacan na dalawang truck na nakahambala sa daanan. Sila ay nagta-transfer ng mga nadiskubre nating mga onions,” sabi ni Police Lt. Nadame Malang, tagapagsalita ng PNP-HPG.

Lumabas sa inventory na nagdala ang mga truck ng sibuyas na nagkakahalaga ng ₱700 bawat sako, kabuuang ₱700,000. Sinabi ng mga driver na inatasan lamang silang kunin ang smuggled onions mula Divisoria at ihatid sa mga palengke sa Central Luzon.

Arestado ang mga suspek at ini-impound ang mga truck at produkto sa PNP-HPG Bulacan Headquarters para sa tamang dokumentasyon at turnover. Binigyang-diin ni Malang na ang ganitong ilegal na aktibidad ay nagpapahamak sa kita ng gobyerno at lumalabag sa patas na kalakalan.

Pinayuhan ng awtoridad ang mga logistics operator na siguraduhing kumpleto ang transport documents at hinihikayat ang publiko na i-report ang kahina-hinalang aktibidad sa kargamento. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here