Home HOME BANNER STORY State of calamity sa buong Pinas, ideneklara ni PBBM sa pananalasa ni...

State of calamity sa buong Pinas, ideneklara ni PBBM sa pananalasa ni Tino

353
0

MANILA, Philippines – INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang deklarasyon ng state of national calamity kasunod ng malawakang pagkawasak sanhi ng Bagyong Tino (international name Kalmaegi) at paghahanda para sa pananalasa ng posibleng super typhoon.

“Because of the scope of, shall we say, problem areas that have been hit by Tino and will be hit by (Typhoon) Uwan, there’s a proposal by the NDRRMC which I approve — that we will declare a national calamity,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga mamamahayag matapos ang situation briefing sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

“Because ilang regions na yan, almost 10 regions, there will [be] 10 to 12 regions that will be affected by Uwan,” dagdag na wika nito.

Ang pag-apruba ng Pangulo ay matapos bayuhin ng Bagyong Tino ang Visayas at Mindanao ng malakas na pag-ulan at malakas na hangin, dahilan ng malawakang pagbaha na naging sanhi ng pag-displace ng libo-libong pamilya, mga bayan na lumubog sa tubig-baha, at napakaraming landslides.

Ayon sa pinakabagong datos ng pamahalaan, ang napaulat na death toll mula sa epekto ng bagyo ay umabot na sa 114.

Ang deklarasyon ay naglalayong pabilisin ang ‘relief, rehabilitation, and recovery efforts’ sa iba’t ibang apektadong lugar sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa mas mabilis na access sa calamity funds, price controls sa mga basic commodities, at i-streamline ang deployment ng national government assistance.

“Meanwhile, a tropical depression outside the Philippine Area of Responsibility (PAR) is expected to make landfall in Cagayan and affect the majority of Luzon early next week. It will be named Uwan once inside PAR, the 21st storm to enter the country, and has the potential to become a super typhoon,” ayon sa weather bureau.

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na ang gobyerno ay nasa ‘full swing’ sa pagpapatupad ng ‘response operations’ sa mga lugar na matinding tinamaan ng bagyo, lalo na sa Visayas, idagdag pa ang paghahanda na ginagawa sa inaasahang epekto ng Bagyong Uwan sa Northern Luzon.

Tinuran ng Pangulo na ang mga team mula sa national government, military, at pulis ay mananatiling ide-deploy sa disaster-stricken areas para maghatid ng tulong, ibalik ang suplay ng kuryente at linya ng komunikasyon, at tulungan na linisin ang mga lansangan na naharangan ng mga debris at landslides.

Sinabi pa ng Pangulo na ang hamon ay nakaumang sa pagbalanse ng alokasyon ng ‘manpower at logistics’ sa pagitan ng nagpapatuloy na pagtugon sa Visayas at paghahanda sa Northern Luzon, kung saan nakikitang tatama ang Typhoon Uwan.

“Siyempre, ‘di namin iiwanan ang Cebu hanggat lahat na in place na … but we will do as much as we can to anticipate,” aniya pa rin.

Samantala, nagpahayag naman ng pag-aalala si Pangulong Marcos sa mataas na bilang ng casualties o nasawi dahil sa Bagyong Tino, sabay sabing ang balidasyon o pagpapatunay ng pagkamatay, missing persons, at kabuuang pinsala ay nananatiling nagpapatuloy.

Tiniyak naman ng Pangulo sa publiko na magpapatuloy ang gobyerno sa relief operations nito habang paiigtingin ang preemptive measures para sa inaasahang epekto ng Bagyong Uwan. (Kris Jose)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here