MANILA, Philippines – Pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong plunder kaugnay ng P112-milyong PDAF sina Janet Napoles, Gobernador ng Masbate Rizalina Lanete, at dating chief-of-staff ni Lanete na si Jose Rosalinda Sumalpong.
“To impute criminal liability solely based on the endorsements—especially when the authenticity of the documents is in question and the signatures therein were admittedly forged—would be manifestly unjust,” ani ng korte.
Binanggit ng korte na hindi nagkita sina Lanete at Napoles para talakayin ang scheme, at hindi mapagkakatiwalaan ang mga dokumentong may lagda ni Lanete, dahil inamin ng saksi na si Benhur Luy na peke ang ilang lagda.
“The repeated endorsements of NGOs, absent proof of Lanete’s knowledge of their lack of track record or involvement in ghost projects, cannot be equated with criminal intent,” dagdag ng korte.
Binanggit din ng Sandiganbayan na ang kabuuang halagang P30.75 milyon ay mas mababa sa P50-milyong threshold para sa plunder.
Habang si Napoles ay napatunayang guilty sa pitong counts ng graft, bawat isa ay may anim hanggang walong taong pagkakakulong at perpetual disqualification sa posisyon sa gobyerno, pinawalang-sala sina Lanete at Sumalpong sa lahat ng 11 graft charges.
Gayunpaman, inutusan si Napoles na ibalik ang P107 milyon kasama ang 6% interes bilang civil liability, katumbas ng halagang natanggap ng kanyang mga entity mula sa PDAF ni Lanete. Santi Celario