Home NATIONWIDE 4 tirahan tinupok ng sunog sa Cavite

4 tirahan tinupok ng sunog sa Cavite

MANILA, Philippines – Tinupok ng sunog ang apat na tirahan sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Sa ulat ng Police Region 4A nitong Sabado, Mayo 5, nagsimula ang sunog 12:10 ng gabi sa pagitan ng dalawang tirahan sa loob ng compound sa Barangay Granados.

Mabilis na kumalat ang sunog at nadamay ang dalawa pang tirahan.

Naapektuhan sa sunog ang pitong pamilya.

Wala namang nasawi o nasaktan sa nangyaring sunog. RNT/JGC