MANILA, Philippines- Dumating ang karagdagang apat na truck ng bigas sa Naga City, Camarines Sur para sa umiiral na relief efforts kasunod ng hagupit ni Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami), ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Linggo.
Sa isang social media post, sinabi ni Marcos na nagmula ang mga truck ng bigas sa National Food Authority at Food Terminal Incporated.
Tiniyak ng Pangulo sa publiko ang patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga komunidad na apektado ni Kristine.
“Right now, it’s about making sure families in Camarines Sur have what they need to begin getting back on their feet,” ani Marcos.
“By air, land, or sea, we’ll keep the support coming. Sama-sama tayong babangon muli,” dagdag niya. RNT/SA