Home METRO P5M shabu nakumpiska sa tindero

P5M shabu nakumpiska sa tindero

125
0

BACOLOD CITY- Mahigit P5 milyong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang tindero sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad, nitong Sabado sa lungsod na ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Rico Abay, 55-anyos, natukoy na high value individual at residente ng Purok Baybay, Barangay 8, Bacolod City.

Batay sa report ng Bacolod Police Station 2, bandang alas-8:35 ng gabi noong Sabado nadakip ang suspek sa Prk. Narra BayBay, ng nabanggit na barangay.

Nakuha sa suspek ang 800 gramo na bigat ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P5,440,000.

Sinabi ng pulisya na matagal na nilang sinusubaybayan ang suspek at prente lamang nito ang pagiging tindero pero ang totoo ay shabu ang ibinebenta.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Police Station 2 ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here