Home METRO 4 tulak laglag sa P1M tobats sa Bulacan buy-bust

4 tulak laglag sa P1M tobats sa Bulacan buy-bust

155
0

Bulacan- Nasa P1,020,680,00 ang nasamsam umano ng mga awtoridad sa apat na hinihinalang drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Pulilan.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa mga alyas na Jonjon, 40, Tj, 32, Jeff Punk, 38 at Ratbooo, 20.

Sa report, ikinasa ang operasyon ng pinagsanib puwersa ng PIU/ PDEA, Bulacan at Pulilan police station bandang 5:30 ng hapon nitong Disyembre 5. sa Brgy. Tibag.

Ayon sa report, nakumpiska sa operasyon ang walong plastic sachets na pinaghihinalaang shabu na tumimbang ng 150.1 gramo na may standard drug price na P1,020,680 at P1,000 marked money.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang apat na suspek habang nakakulong sa himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here