Home NATIONWIDE DOJ ‘di pa tiyak kung kailan uuwi si Teves

DOJ ‘di pa tiyak kung kailan uuwi si Teves

152
0

MANILA, Philippines – Blangko pa rin ang Department of Justice (DOJ) kung kailan maaring maibalik sa Pilipinas si dating Negros Oriental representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

Sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na mahirap magbigay ng timeline sa pagbabalik ni Teves sabil maaari pang iapela ng kampo ni Teves ang desisyun ng Timor-Leste Court of Appeals na pumabor sa extradition request ng Pilipinas.

Nabatid na mayroon 30 araw ang kampo ni Teves upang maghain muli ng apela.

Magugunita na pinaboran ng Timor-Leste ang extradition request ng Pilipinas nitong Hunyo.

Gayunman, kinuwestyon ng kampo ni Teves ang ruling nase sa procedure partikular ang bilangmng mga hukom na nagdesisyun sa kaso.

Kumpiyansa naman ang DOJ na muling papabor ang korte ng Timor-Leste court sa Pilipinas.

“we do not expect na mag iiba pa po ‘yung decision ng Timor-Leste,” ani Clavano.

Dagdag ni Clavano, nakasaad na sa desisyon ang lahat ng mga isyu na ipinunto ng Philippine government.

Iginagalang aniya ng Timor-Leste ang batas ng Pilipinas at ginamit rin ang international law sa pagbuo ng naging desisyon.

Sa 74 na pahinang decision ng Timor-Leste Court of Appeal, malinaw na hiniling ng Philippine government ang extradisyon ni Teves para kaharapin nito ang mga kasong nakasampa laban sa kaniya at hundi dahil itinuturing ito na kalaban sa politika. TERESA TAVARES

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here