Home METRO 4 tulak laglag sa P775K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

4 tulak laglag sa P775K ‘bato’ sa Bulacan buy-bust

Bulacan – Arestado ang apat na pinaghihinalaang tulak matapos mahulihan ng nasa P775,228 halaga ng ilegal na droga sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Ayon kay PRO3 Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, naaresto ng Norzagaray police station bandang alas-12:30 ng madaling araw nitong Hunyo 11 sa Brgy. Poblacion ang mga suspek na sina alyas Boy at Rolle habang nagbebenta ng ilegal na droga.

Nakumpiska umano sa dalawa ang 54.01 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may standard drug price na P367,268.00.

Samantala, huli rin sa kaparehong operasyon ng Provincial Intelligence Unit katuwang ang Baliuag City police station sina alyas Ruth kabilang sa Provincial High-Value Individual at alyas Harry bandang alas-4:30 ng umaga nitong Hunyo 12 sa Brgy. Tiaong.

Nasamsam sa operasyon ang 60 gramo ng pinaghihinalaang shabu na aabot sa P408,000.00 at P1,000 marked money.

Kapwa nahaharap sa kaukulang kaso ang mga suspek habang nakakulong sa istasyong humuli sa kanila. Dick Mirasol III