Home NATIONWIDE NTF-ELCAC patuloy na magbabantay

NTF-ELCAC patuloy na magbabantay

103
0

Manila, Philippines – Patuloy na magbabantay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at ang mga partner nito sa anomang balakin ng mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, kahit mahihina na ang guerilla fronts nito sa Cagayan Valley at karatig na mga lugar.

Inihayag ito ni NTF-ELCAC Executive Director and Undersecretary Ernesto Torres, Jr. matapos manawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos na maging handa sa ‘external threats’ dahil sa tensyong ‘geopolitical’ sa  Indo-Pacific region.

“Complacency could undermine the progress made and jeopardize the security of the area,” ani Torres, na ipinagdiinan din na ang maigting na pagbabantay sa mga kilos ng CPP-NPA-NDF ay magpapatuloy kasama ang ‘terror-grooming’ o’ paghuhubog sa mga bagong recruit ng mga ito sa kabataan na maging terorista.

Sa isang kaganapan sa Isabela province, ibinahagi ni Pangulong Bongbong ang pagiging malapit na lokasyon ng bansa sa Taiwan, na pinag-iinteresan ng China na mapasa-kanilang muli.

Ito umano ang dapat na tinututukan ng paghahanda ng mga nasa ‘Northern Philippines’ sa anomang maaaring mangyari.

Sa pagtugon sa pabago-bagong ‘geopolitical landscape’ at mga banta, itinalaga ng pamahalaan ang Cagayan bilang Enhanced Defense Cooperation Agreement site, sa pakikipagtulungan ng bansang Amerika, ang pinakamalapit na ‘military ally’ ng bansa.

Kaya ang misyon ng 5th Infantry Division ay lumawak at napasali ang territorial defense, sa pamamagitan naman ng Joint Task Force  Tala na siyang magmamasid sa rehiyon ng Ilocos, Cagayan Valley, at Cordillera Administrative Region, sa pakikipag-ugnayan ng iba pang military units upang mapalakas ang ating depensa.

Sa panloob na banta rin sa seguridad ng bansa na manggagaling naman sa Ilocos-Cordillera Regional Committee at Komiteng Rehiyon Cagayan Valley ay naririyan pa rin.  Ang mga pagsisikap na bantayan ang mga ito, ay nagbunga na sa pagdedeklara na ang mga probinsiya ng  Quirino, Nueva Vizcaya, at parte ng Isabela ay mga insurgency-free na.

Sa ibinaseng updates ng AFP, sinabi ni Torres na lagpas 400 na NPA rebels ang nagapi na sa taon na ito, na ikinabawas sa tinatayang isang libong natitirang miyembro ng grupo. Kasama sa matagumpay na military at police operations na ito ang pagkakahuli sa mga ilang high-ranking CPP-NPA leaders.

Dagdag pa ni Torres, sa 89 active guerrilla fronts noong 2018, siyam (9) na “weakened guerilla fronts” na lamang ang natitira na target ng militar na buwagin na rin ngayong taon. Lima rito ang nasa Luzon at tig-dalawa naman sa Visayas at Mindanao.

Kaya naman ang focus ng NTF-ELCAC, ayon sa opisyal, ay bantayang hindi na makapoporma pa ang guerilla fronts sa mga lugar na nabanggit. Sa ganitong paraan, ayon kay Torres, mananatiling mapagbantay ang lahat, upang mapagtagumpayan ang laban sa COP-NPA-NDF. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here