Home METRO Tsuper, asawa nag-sorry sa pasaherong pinababa dahil sa kanyang timbang

Tsuper, asawa nag-sorry sa pasaherong pinababa dahil sa kanyang timbang

MANILA, Philippines- Humingi ng paumanhin ang jeepney driver at kanyang asawa na nahaharap sa reklamo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa pagpapababa sa isang pasahero sa kanilang sasakyan dahil sa kanyang timbang, ayon sa ulat.

Inamin ng tsuper at ng kanyang asawa na sinabi nilang hindi maaaring sumakay sa kanilang jeep ang matataba, at sinabihan nila ang pasaherong si Joysh Gutierrez na bumaba.

Ipinaliwanag ng magpasawa na dati na nilang nakaaway si Gutierrez at ayaw na nila umano itong maulit kaya pinababa ito.

Inihayag din nilang bago nag-viral ng video ni Gutierrez, sinabi umano nito sa anila na bumibiyahe sila nang wala kaukulang permit.

Aminado naman ang mag-asawang mali ang kanilang ginawa.

Subalit, anila, nasaktan sila sa viral video. Tatlong araw umano silang hindi lumabas dahil natatakot sila.

Inihayag ng mag-asawa na dadalo sila sa LTFRB hearing sa Hunyo 14, 2024. RNT/SA