Home METRO 4 utas, 2 sugatan sa saksakan sa Iloilo

4 utas, 2 sugatan sa saksakan sa Iloilo

206
0

ILOILO, Philippines – Apat ang napatay at dalawa ang nasugatan sa isang insidente ng pananaksak sa pagitan ng dalawang pamilya sa La Paz District, Iloilo City, noong Sabado ng gabi, Marso 21.

Kinilala ang mga nasawi bilang sina Joeven Provido (46), Johnny Provido Jr. (40), Johnny Provido Sr. (68), at Tyrone Muya (33). Nasugatan naman sina Gilbert Jr. at Glenbert Muya, kapatid ni Tyrone.

Ayon sa Iloilo City Police Office (ICPO), posibleng may kaugnayan sa insidente ang umano’y shabu transaction na nagkakahalaga ng P1,500.

Nagsimula umano ang alitan nang bumisita ang Provido brothers sa bahay ng Muya para hanapin si “Badoy,” live-in partner ng kapatid ng Muya, na diumano’y hindi naihatid ang biniling shabu.

“Mahigpit naming kinokondena ang walang saysay na karahasan na ikinamatay ng mga tao. Iniutos ko sa lahat ng concerned units na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang buong pangyayari at papanagutin ang mga responsable sa batas,” ayon kay ICPO Director Police Col. Wilbert B. Parilla. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here