MANILA, Philippines- Nakapagtala ng apat na bagong volcanic earthquakes sa Kanlaon Volcano sa Negros Island kasunod ng dalawang araw ng pag-igting ng aktibidad nito, base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nitong Sabado.
Base sa pinakabagong 24-hour monitoring reports ng ahensya, ang apat na bagong pagyanig sa Kanlaon ay kalahati ng walong naitala noong Huwebes.
Nabawasan din ang sulfur dioxide (SO2) emissions sa 3,189 noong Huwebes, mula sa 4,418 tons noong Miyerkules.
Nananatili sa Alert Level 2 ang Kanlaon, nangangahulugan ng “increased unrest.”
Ipinagbabawal ang paglapit sa four-kilometer permanent danger zone ng bulkan. RNT/SA