Home NATIONWIDE 4 weather systems makaaapekto sa Pinas

4 weather systems makaaapekto sa Pinas

285
0

MANILA, Philippines – Inaabisuhan ng PAGASA ang publiko na asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes dahil sa pag-iral ng ilang weather system, kasama na ang ITCZ, shear line, at easterlies.

Ang apat na weather system na ito ay maaaring magdulot ng flash floods at landslide sa mga lugar na makararanas ng malalakas na buhos ng ulan.

Apektado ng ITCZ ang BARMM, SOCCSKSARGEN, at ilang bahagi ng Mindanao na posibleng makaranas ng thunderstorms. Dulot naman ng shear line ang mga kalat-kalat na pag-ulan sa Cagayan, Isabela, at Apayao, habang ang easterlies ang magdadala ng mga pag-ulan sa Bicol Region, Aurora, Quezon, Metro Manila, at iba pang bahagi ng bansa.

Maaari ring magkaroon ng bahagyang pag-ulan sa Batanes at Ilocos Norte dahil sa amihan, ngunit hindi ito inaasahang magdudulot ng malaking epekto.

Ayon sa PAGASA, magiging katamtaman hanggang malakas ang hangin sa hilagang at kanlurang bahagi ng Northern Luzon na may katamtaman hanggang maalon na baybayin.

Sa natitirang bahagi ng bansa, inaasahan ang banayad hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang pag-alon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here