MANILA, Philippines – Arestado ang 40-anyos na lalaki dahil sa ilang ulit na pagmolestiya sa isang batang babae sa Valenzuela City noong Lunes, Hunyo 16.
Matapos sampahan ng kaso ng mga magulang ng paslit ang akusadong si alyas Jomer, tumakas ito at nagtago kaya naglabas ng warrant of arrest ang hukuman.
Sa ginawang manhunt operation , ala-10:30 ng gabi nang matunton at arestuhin ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Gerson Bisayas si alyas Jomer sa Brgy. Maysan.
Inaresto ang suspek sa tulong ng arrest warrant na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Evangeline Mendoza ng Branch 207 para sa dalawang bilang ng kasong sexual assault na may kaugnayan sa paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at isang bilang ng acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code.
Ayon kay Valenzuela Public Information Office (PIO) Chief P/Maj. Randy Llanderal, makakalaya lamang pansamantala ang akusado kung makapag-piyansa ng P580,000. Merly Duero