MANILA, Philippines – PINALAKAS ng gobyerno ang pagsisikap nito na pagaanin ang epekto ng pagbaha at iba pang banta kapag sumasapit ang panahon ng tag-ulan.
TInukoy ng Malakanyang angnagpapatuloy na ‘infrastructure works at agency coordination’ upang matiyak ang paghahanda.
Sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na ipinagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang paggawa ng flood control projects sa buong bansa.
“Siniguro ni DPWH Secretary Manny Bonoan na sinisimulan po nila ang pag-construct dito sa mga projects para sa flood control. Matagal na kasi itong direktiba ng pangulo,” ang sinabi ni Castro.
“Among the completed projects is the 2,339.73-square-meter concrete slope protection along the Bagac-Mariveles Road in the province of Bataan,” ang dagdag na pahayag ni Castro.
“At the same time, sinabi niya (Bonoan) na nakapagdevelop na rin sila ng masterplan for each of the 18 major river basins,” aniya pa rin.
“Asahan po natin na lagi tayong magiging handa sa pagbaha. Although hindi natin sinasabi na 100 percent agad mababawasan yung pagbaha pero patuloy pa rin po ang pagsasagawa ng DPWH para maibsan ang problema dito,” ang winika pa rin ni Castro.
Ang Pilipinas, isang disaster-prone country ay may halos 20 bagyo taun-taon, nahaharap sa regular na bansa mula sa pagbaha lalo na sa ‘urban at low-lying areas.’
Sa kabilang dako, sinabi pa ni Castro na naglunsad ang Department of Science and Technology ng isang ‘centralized alert system’ para sa publiko para maka-access sa critical weather advisories.
“The Department of Agriculture, meanwhile, expressed readiness to ensure food security with a stable supply of rice,” aniya pa rin.
Idinagdag pa nito na handa ang Department of Social Welfare and Development na magpatupad ng feeding programs, habang nakahanda rin ang Department of Health na tugunan ang seasonal illnesses, gaya ng dengue at leptospirosis. Kris Jose