Home NATIONWIDE 40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cebu City

40 pamilya nawalan ng tirahan sa sunog sa Cebu City

125
0

CEBU – Aabot sa 40 pamilya o tinatayang 160 indibidwal ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog na sumiklab sa Barangay Ermita, Cebu City noong Black Saturday, na tumupok sa 27 bahay.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, ngunit tinatayang umabot sa P2.3 milyon ang pinsala sa ari-arian.

Nagsimula ang sunog dakong alas-7 ng gabi at idineklarang under control lampas alas-9 ng gabi.

Ayon kay SF03 Wendell Villanueva, spokesperson ng Cebu City Fire Station, patuloy pa ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.

Kabilang sa tinitingnang anggulo ng mga imbestigador ang ulat na posibleng sinadyang sunugin ng isang lalaki ang lugar, ngunit wala pang lumalantad sa ngayon upang pormal itong pagtibayin sa rekord.

Pinaalalahanan naman ng Bureau of Fire Protection ang publiko na patuloy na sumunod sa mga safety measure, lalo na ngayong mas umiinit ang panahon kasabay ng pagpasok ng dry season. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here