Home NATIONWIDE 40K klasrum itatayo bago matapos termino ni PBBM

40K klasrum itatayo bago matapos termino ni PBBM

243
0

MANILA, Philippines – Nangako si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ika-apat na SONA na magtatayo ng karagdagang 40,000 silid-aralan bago matapos ang kanyang termino upang tugunan ang kakulangan sa mga pampublikong paaralan

Mahigit 22,000 classrooms na ang naipatayo sa nakaraang tatlong taon.

“Hindi na dapat nabibitin ang oras ng klase dahil sa kakulangan sa classroom,” ani Marcos, sabay hiling sa Kongreso ng sapat at tuloy-tuloy na pondo.

Katuwang ang pribadong sektor at mga LGU, binibilisan ng gobyerno ang pagpapatayo ng mga paaralan, kabilang na ang modular classrooms para sa mga lugar na nasalanta ng kalamidad.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, gagamitin ang PPP model upang mapabilis ang konstruksyon nang hindi pabigat sa taunang badyet. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here