Home NATIONWIDE May mananagot sa palpak na serbisyo sa tubig – PBBM

May mananagot sa palpak na serbisyo sa tubig – PBBM

266
0

MANILA, Philippines – Siniguro ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na papanagutin ang mga may pananagutan sa palpak na serbisyo ng tubig, kabilang ang mga ka-joint venture ng mga water district.

Higit anim na milyong Pilipino ang apektado ng water interruptions.

“Ginagawa na ng LWUA ang mga hakbang upang ayusin ang serbisyo ng tubig at gawing mas abot-kaya ang presyo,” ani Marcos. Dagdag niya, hindi papayagan ng gobyerno ang kapabayaan sa mahalagang serbisyong publiko.

Iniutos din ni Marcos ang imbestigasyon sa PrimeWater Infrastructure Corp. na pagmamay-ari ng pamilya Villar.

Ayon sa Malacañang, dumami ang joint venture ng PrimeWater noong 2019, sa panahong nasa ilalim pa ng DPWH ang LWUA.

Mariing itinanggi ni Senador Mark Villar ang anumang kaugnayan sa mga kasunduan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here