Home METRO 42 DPWH projects sa Las Piñas kulang sa permit – Rep. Santos

42 DPWH projects sa Las Piñas kulang sa permit – Rep. Santos

301
0

MANILA, Philippines – Ayon kay Las Piñas Representative Mark Anthony Santos, nakakita ang Las Piñas engineer’s office ng 42 proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kulang sa permit.

Ito ay napag-alaman matapos humiling si Rep. Santos na tingnan ang lahat ng building permits ng mga proyekto mula sa DPWH.

19 sa mga ito ang naisagawa at nakompeto na, 7 ang under construction, at 15 ang na isyuhan ng notices of violation.

Nagbabala si Santos na ang kakulangan sa permit ng isang proyekto ay delikado para sa publiko, na kung magkaroon man ng aberya ay hindi nito sagot ang pagpapaospital ng sinumang maaksidente habang isinasagawa ang proyekto.

“Di sagot ng mga insurance ‘yan, and, of course, ang building official will be the one who will be responsible for this one,” aniya.

Ayon kay Santos, ang mga proyektong kulang sa permit ay kinabibilangan ng multi-purpose buildings, drainage systems, at flood control projects.

Magsasagawa aniya ng karagdagang inspeksyon ukol dito.

“Kung ‘yan ay kino-coordinate lang sa local government, mas maganda ang magiging outcome ng mga projects, malaki ang magiging savings,” aniya.

Dapat na managot ang DPWH sa umano’y kakulangan ng permit mula sa lungsod, idinagdag pa niya na ang koordinasyon mula sa DPWH at local government ay mahalaga upang maiwasan ang mga pagkakamali sa mga proyekto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here