MANILA, Philippines – Nag-alok ng ₱500,000 na pabuya ang pamahalaang panlalawigan ng Aklan at LGU Kalibo para sa impormasyon na makapagtuturo sa salarin sa pagpaslang kay Juan “Johnny” Dayang, dating alkalde ng Kalibo at beteranong mamamahayag.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), kinilala na ang suspek na may dati nang kriminal na rekord at nakatakdang kasuhan.
Tiniyak ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang patuloy na pagtutok ng PNP sa kaso at ang kahalagahan ng proteksyon sa mga mamamahayag bilang bahagi ng pagtaguyod sa kalayaan sa pamamahayag.
“We assure the public that the PNP will not relent in our pursuit of the suspect in the killing of Mr. Johnny Dayang. His identity has been confirmed, and we are exhausting all means to bring him to justice,” ani Marbil.
“We thank the Aklan Provincial Government and LGU Kalibo for their strong support in offering a reward to help expedite his capture. This is not just about one man – it is about our collective duty to uphold press freedom and protect those who seek and speak the truth.” RNT