Home METRO Drayber na naglagay ng aso sa likod ng kotse, kakasuhanMETRONATIONWIDETOP STORIES Drayber na naglagay ng aso sa likod ng kotse, kakasuhanMay 9, 2025 11:34 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines – Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office laban sa driver na nahuling naglagay ng aso sa trunk ng kotse.Ipinatatawag ang driver at may-ari ng sasakyan para ipaliwanag kung bakit hindi sila dapat kasuhan ng reckless driving at masuspinde ang lisensiya.Ayon sa kapatid ng driver, sinagip lang ang aso at inilagay ito sa trunk dahil baka makagat.Gayunman, nakatakdang kasuhan ng PAWS ang may-ari ng sasakyan dahil ito ay malinaw na paglabag sa Animal Welfare Act.Ayon sa batas, ang ganitong aksyon ay maaaring pagmultahin ng ₱100,000 at makulong ng hanggang dalawang taon. RNT