Home TOP STORIES Camille Villar nakakuha ng malawak na suporta sa M’danao

Camille Villar nakakuha ng malawak na suporta sa M’danao

DAVAO OCCIDENTAL — Nakamit ni millennial senatorial candidate Camille Villar ang mainit na suporta mula sa mga mamamayan ng Davao Occidental nitong Huwebes, kasunod ng pag-endorso sa kanya ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Lalong lumawak ang suporta kay Villar sa rehiyon matapos din siyang iendorso ni Davao Occidental Representative Claude Bautista at DUMPER Partylist Rep. Claudine Diana Bautista-Lim sa ginanap na meet and greet sa Tabat Gym sa Malita.

Sa harap ng mga barangay officials, solo parents, tsuper at operator ng traysikel, senior citizens, at kabataan, tiniyak ni Villar ang pagsusulong ng mga batas at proyekto na nakatuon sa kanyang mga adbokasiya—pagpapalakas ng kababaihan, pabahay, edukasyon, mental health, gender equality, financial literacy, at pagpapaunlad ng maliliit at katamtamang negosyo.

“Nagpapasalamat po ako sa mainit ninyong pagtanggap… malaking bagay po ang ipinakita ninyong suporta at pagmamahal,” ayon kay Villar. Dagdag pa niya, ang suporta ng mga taga-Davao Occidental ang nagsisilbing lakas niya sa gitna ng hamon ng kampanya, at nangakong buong suporta rin ang kanyang ibibigay sa probinsya. RNT