Home TOP STORIES Suspension sa Marikina officials sa medicine fund, pinagtibay ng CA

Suspension sa Marikina officials sa medicine fund, pinagtibay ng CA

Tinabla ng Court of Appeals ang petisyon na inihain ni Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro at ilang opisyal ng lungsod ng Marikina na humihiling na ipawalang-bisa ang preventive suspension na ipinataw ng Office of the Ombudsman.

Ayon sa desisyon nanakapaulob sa CA-G.R. SP No. 189070, hindi nakitaan ng appellate court ang merito sa petisyon, kaya hindi ito nag-isyu ng temporary restraining order o injunction.

Ipinagtibay ng desisyong ito ang naunang natuklasan ng Ombudsman na ang mga pondong nakalaan para sa gamot at serbisyong pangkalusugan ng lungsod ay ginamit sa ibang layunin– kabilang na ang pagpopondo ng biyahe sa Vietnam at iba pang pinagdududahang gastusin.

Sakop ng desisyong ito ang pansamantalang suspensiyon na hindi lalampas sa anim na buwan ni Mayor Teodoro, Vice Mayor Marion Andres, 12 pang konsehal ng lungsod, at ibang mga matataas na opisyal ng finance department ng Marikina.

Sa paglabas ng desisyon ito, parehong Office of the Ombudsman at Court of Appeals na ang ang nagkompirma na may pagkukulang sa pamamahala ng pondo ng bayan ang mga opisyal ng lungsod ng Marikina.

Ang pangunahing isyu na nakapaloob sa kaso ay ang reallocation ng mahigit P130 milyon na pondo ng lungsod–na nakalaan para sa mga medikal na pangangailangan kaugnay ng COVID-19–sa mga foreign travel at ibang pang gastusing walang malinaw na benepisyo para sa publiko.

Nauna nang nagsampa ang Ombudsman ng mga kasong kriminal at administratibo tulad ng malversation, illegal use of public funds, grave misconduct, at conduct prejudicial to the best interest of the service. RNT