Tatlo ang nasawi kabilang ang isang batang babae at ang suspek na nagbaril sa sarili matapos ang pamamaril na may kaugnayan umano sa isyung “third party” sa Southville 5A, Barangay Langkiwa, Biñan City, Laguna.
Kinilala ang mga biktima na sina Joan Bautista, nasa hustong gulang, at isang 10 taong gulang, habang nagpapagaling naman ang isa pang biktima na 11 taong gulang sa ospital.
Ang suspek na si alyas Joel, isang driver/bodyguard, ay pinaniniwalaang nagbaril matapos ang matinding pagtatalo, saka nagpakamatay.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at isinailalim sa autopsy ang mga nasawi. Ellen Apostol