Home NATIONWIDE Higit P7.5M ‘bato’ nasabat sa Clark

Higit P7.5M ‘bato’ nasabat sa Clark

(c) Danny Querubin

CLARKFIELD, Pampanga — Nasabat ng mga awtoridad ang tinatayang 1.112 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 7.56 milyon sa isang interdiction operation sa Port of Clark noong Mayo 8, 2025.

Ang ilegal na droga ay itinago sa loob ng isang vacuum cleaner at isang rice cooker, at dumating mula Kuala Lumpur, Malaysia noong Mayo 6.

(c) Danny Querubin

Natukoy ang kahina-hinalang kargamento sa x-ray inspection ng Bureau of Customs, na sinundan ng pisikal na pagsusuri at K-9 inspection mula sa PDEA.

Nakumpiska ang mga sumusunod:

>Isang vacuum cleaner na may label na “Philips PowerPro Compact” na naglalaman ng humigit-kumulang 538 gramo ng shabu

>Isang rice cooker na may tinatayang 574 gramo ng shabu
Ipapadala ang mga sample sa laboratoryo ng PDEA Region 3 para sa pagsusuring forensiko.

Ang matagumpay na operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA-Clark IADITG, Bureau of Customs-Port of Clark, PNP Aviation Security Unit 3, at Drug Enforcement Group. RNT