Home NATIONWIDE Lacson umapela sa PNP: Manatiling walang kinikilingan

Lacson umapela sa PNP: Manatiling walang kinikilingan

0
Lacson umapela sa PNP: Manatiling walang kinikilingan

MANILA, Philippines – “Stay apolitical”

Ito ang apela ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas senatorial candidate Panfilo Lacson sa lahat ng miyembro ng Philippine National Police(PNP) sa papalapit na eleksyon sa Lunes, Mayo 12.

Ayon kay Lacson wala naman talagang masama kung may mga kaibigang pulitiko ang mga pulis gayunpaman dapat umuwas ito sa partisan politics.

Ipinaalala ni Lacson sa mga miyembro ng PNP na ang kanilamg tungkulin ay panatilihin ang peace and order sa eleksyon.

“Remain apolitical. That is the rule of the PNP, that when there is an election or other political exercise, they should not take sides,” ani Lacson.

Bilang dating hepe ng PNP, sinabi ni Lacson na dapat tiyakin ng mga police regional directors at local commanders na ang kanilang mga pulis ay inoobserba ang pagiging ” apolitical”.

Gayundin ay umapela si Lacson sa mismong mga pulitiko na huwag nang gamitin ang mga pulis para sa
partisan politics.

“Let’s not get our policemen in trouble. The policemen will be held accountable if there is evidence that they took part in partisan activities,” pagtatapos pa ni Lacson. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here