MANILA, Philippines – Nakakuha ng malakas na suporta si Camille Villar sa Mindanao, partikular mula kay dating Senate President Juan Miguel Zubiri at Bukidnon Governor Oneil Roque noong nakaraang Huwebes. Nagpasalamat si Villar sa kanilang suporta, na tinukoy niyang mahalaga sa kanyang kampanya sa halalan.
Sa isang pahayag, pinasalamatan ni Camille Villar sina Zubiri, Roque, at ang mga lokal na opisyal ng Bukidnon sa kanilang mainit na pagtangkilik. Inilahad niya na ang kanilang malasakit at pagtutulungan para sa lalawigan ay isang tunay na inspirasyon sa kanya.
Binigyan-diin ni Villar na magiging prayoridad niya ang Bukidnon sa mga proyekto at tulong sakaling siya’y mahalal bilang senador. May 15 taong karanasan sa lokal na pamamahala at pamumuno sa negosyo, aktibo si Camille Villar sa pagsusulong ng pantay na karapatan para sa kababaihan, pagpapalakas ng mental health, financial literacy, at maliliit na negosyo, pati na rin sa sektor ng pabahay at edukasyon. RNT