Home NATIONWIDE 42M indibidwal sapul ng September 2023 data breach sa PhilHealth

42M indibidwal sapul ng September 2023 data breach sa PhilHealth

MANILA, Philippines – Sinabi ng National Privacy Commission (NPC) nitong Lunes na ang September 2023 data breach sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) ay nakaapekto sa 42 milyong indibidwal na miyembro ng state-run insurer.

Ang pahayag mula kay Director 4 at Atty.Maria Theresita Patulad ay bilang tugon sa mga katanungan ng House appropriations panel senior vice chairperson Stella Quimbo ng Marikina City.

Sinabi ni Patulad na kanilang rito ang medical records ng pasyente, billing files ng PhilHealth member record, PhilHealth member record ng rebel returnees sa ilalim ng government’s Pamana (Payapa at Masaganang Pamayanan) program, indigent billing records, senior citizens.

Sinabi ni Patula na nagsasagawa na ng pagdinig ang NPC sa usapin, at inaasahang magsusumite ng tugon ang PhilHealth sa loob ng 15 araw mula sa pagdinig ng paglilinaw ng Hulyo 4.

Gayunman, binigyan-diin ni Patula na sa ilalim ng Data Privacy Act, ang PhilHealth ay may mandato na ipagbigay alam sa kanilang miyembro na apektado ng data breach sa loob ng 72 oras pagkatapos ng naturang pangyayari.

Hiniling ni Quimbo kay Santos na magsumite ng status report sa data breach, kasama na king ilang sa 42 milyong apektado ang naabisuhan sa pinakamaagang posibleng panahon matapos aminin ni Santos na hindi naipagbigay alam sa mga apektadong miyembro ang data breach.

Bilang tugon, sinabi ni Santos na sila ay susunod sa pinakamaagang posibleng panahon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)