MANILA, Philippines – Ipinakita ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga oportunidad sa trabaho para tulungan ang mga manggagawang naapektuhan ng pagsasara ng Sofitel Hotel.
Nakipagtulungan ang DOLE-National Capital Region (DOLE-NCR) sa Sofitel para talakayin ang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program, ayon kay Makati-Pasay Field Office Director II Gerard Peter C. Mariano.
Ipinaliwanag ni labor officer ng MPFO Divina Gracia R. Dean, ang mga available na livelihood packages, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pag-align ng mga proyekto sa mga pangangailangan ng komunidad.
Lumahok din ang mga kinatawan mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Social Security System (SSS) upang tulungan ang mga apektadong manggagawa ng Sofitel sa mahusay na pag-navigate sa mga serbisyo ng gobyerno.
Bilang karagdagan, nagsagawa ng coaching session ang mga entrepreneurs na sina Ms. Marie Joyce Co Yu and Mr. Jorge Wieneke, kasama ang mga kinatawan ng Go Negosyo na layong suportahan ang micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalamam at personal na karansan.
Ang inisyatiba ay hindi lamang tumutugon sa mga agarang pagkawala ng trabaho ngunit hinahamon din ang mga maling kuru-kuro tungkol sa papel ng DOLE sa pamamagitan ng pagpapakita ng pangako nito sa buong suporta na lampas sa mga labor disputes. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)