MANILA, Philippines – Nadiskubre ng Department of Trade and Industry ang nasa 43 tindahan na lumabag sa price freeze na epekto ng state of calamity sa ilang lugar sa mga naranasan na sama ng panahon noong nakaraang buwan.
Sa ulat ng DTI, sinabi na nasa 370 produkto ang hindi sumunod sa suggested prices.
Nag-isyu na ang ahensya ng notice of violation sa retail outlets para pagpaliwanagin.
Ang National Capital Region (NCR) ay kabilang sa mga lugar na inilagay sa state of calamity dahil sa epekto ng Habagat at Super Typhoon Carina noong nakaraang buwan.
Tatagal ang price freeze hanggang Setyembre 24. RNT/JGC