Home NATIONWIDE Preventive suspension sa judge at clerk na tumanggap ng P6M suhol, mananatili...

Preventive suspension sa judge at clerk na tumanggap ng P6M suhol, mananatili – SC

MANILA, Philippines – Pinalawig pa ng Korte Suprema ipinataw na preventive suspension laban sa Pasay City RTC judge at sa branch clerk of court nito na nahuli sa aktong tumatangap ng ₱6 milyon bilang suhol.

Sa SC En Banc resolution, mananatiling suspendido si Judge Albert T. Cansino at clerk of court na si Mariejoy P. Lagman ng Pasay City Regional Trial Court Branch 108 habang patuloy ang imbestigasyon sa kanilang pagkakasangkot sa isyu ng panunuhol.

Ito ay matapos aprubahan ng Korte Suprema ang rekomendasyon ng Judicial Integrity Board na palawigin ang preventive suspension hanggat hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon.

Nauna na silang inilagay sa preventive suspension noong May 28, 2024 dahil sa pagtangap ng P6,000,000 mula sa isang litigant kapalit ng paborableng desisyon sa isang civil case.

Nahuli sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) si Lagman noong Mayo 24, 2024 na tinatangap ang ₱6 milyon na boodle money.

Itinuro naman ni Lagman si Judge Candino na kanyang kasabwat. Teresa Tavares